Home METRO 322 arestado sa cybercrime sa unang quarter ng 2026 – PNP-ACG

322 arestado sa cybercrime sa unang quarter ng 2026 – PNP-ACG

164
0

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) na umabot sa 332 katao ang naaresto sa iba’t ibang cybercrime violations sa unang quarter ng 2026.

Ayon sa PNP-ACG, ang mga pag-aresto ay isinagawa sa pagpapatupad ng 337 cyber warrants mula Enero 1 hanggang Marso 31.

Sa kabuuang bilang ng naaresto, 119 ang nahuli sa pamamagitan ng service of warrants, 205 sa entrapment operations, at walo sa pag-execute ng warrants para sa search, seizure, at examination ng computer data.

Nakapagsampa rin ang ACG ng 593 kaso, nakapagsagawa ng 7,129 cyber patrolling activities, at nakumpleto ang 226 digital forensic examinations.

Sa parehong panahon, 74 biktima ang nasagip at 143 katao naman ang nahatulan.

Ayon kay PNP-ACG chief Brig. Gen. Wilson Asueta, patuloy nilang pinapalakas ang cyber intelligence, investigative at forensic capabilities, cyber patrols, at public awareness programs upang tugunan ang mga lumalalang cyber threats. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here