Home TOP STORIES Trump muling nagbanta ng pag-atake sa Iran kung ‘di bubuksan ang Strait...

Trump muling nagbanta ng pag-atake sa Iran kung ‘di bubuksan ang Strait of Hormuz

156
0

WASHINGTON, USA – Muling nagbanta si US President Donald Trump noong Linggo na maaaring bombahin ang mga power plants at tulay sa Iran kung hindi nito muling bubuksan ang Strait of Hormuz, kasabay ng pag-anunsyo niya ng umano’y matagumpay na rescue mission ng isang sugatang sundalo.

Sa kanyang Truth Social post, sinabi ni Trump na ang “seriously wounded” na airman ay nailigtas “from deep inside the mountains of Iran,” at tinawag niya itong “one of the most daring Search and Rescue Operations in US history.”

Sinabi ng Iran na “foiled” umano ang operasyon at naglabas pa ng mga larawan ng sirang aircraft, ngunit hindi nito direktang kinumpirma kung nakuha ang sundalo.

Ayon sa Iran, halos pinahinto nito ang daloy ng barko sa Strait of Hormuz, isang mahalagang ruta ng langis at gas, at nagsagawa rin ng mga pag-atake laban sa Israel at mga kalapit na bansa sa Gulf.

Nagbanta si Trump sa kanyang post: “Open the F*ckin’ Strait, you crazy bastards, or you’ll be living in Hell,” at idinagdag pa: “Tuesday will be Power Plant Day, and Bridge Day, all wrapped up in one, in Iran. There will be nothing like it!!!”

Sinabi rin niya sa Fox News na may “good chance” na posibleng magkaroon ng kasunduan sa Iran.

Samantala, iniulat ng US media ang detalye ng rescue operation kung saan gumamit ng mga aircraft at special equipment para mailigtas ang airman, habang may ulat na ilang sasakyang panghimpapawid ang sinira upang hindi mapasakamay ng Iran.

Ayon naman sa Iran, apat na US aircraft ang kanilang nawasak at limang katao ang nasawi sa operasyon.

Patuloy din ang pag-atake sa iba’t ibang bahagi ng Gitnang Silangan, kabilang ang mga civilian facilities sa UAE, Bahrain, at Kuwait, habang may mga strike rin sa Lebanon na ikinamatay ng mga sibilyan.

Sa Easter Sunday message sa Vatican, nanawagan si Pope Leo XIV sa mga pinuno ng mundo na “choose peace” at tinuligsa ang patuloy na karahasan.

Ayon sa Iran, isang strike malapit sa Bushehr nuclear plant ang ikinamatay ng isang guwardiya, na ikinabahala rin ng Russia na tumutulong sa operasyon ng pasilidad.

Nagbabala rin ang Iran sa posibleng radioactive fallout kung magpapatuloy ang pag-atake sa nuclear site.

Sa gitna ng kaguluhan, iniulat din ang patuloy na internet blackout sa Iran at mga crackdown sa loob ng bansa habang lumalala ang tensyon sa buong rehiyon. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here