Home HOME BANNER STORY 4 arestado sa election gun ban

4 arestado sa election gun ban

MANILA, Philippines- Nadakip ang apat na indibidwal nitong Linggo kasunod ng nationwide gun ban na umiral sa gitna ng election period para sa May 2025 polls, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sinabi ni PNP chief Police General Rommel Marbil na ilan sa mga nakumpiskang baril mula sa mga nadakip ay pistols at long guns.

“Actually doon sa report namin, dalawa, pero ‘yung tinext sa akin, apat na ang nahuli natin from BARMM, [Regions] 12, 6 and 3 ang nahuli natin na lumalabag ng Comelec gun ban,” ani Marbil sa ambush interview.

“Suspended ‘yan. We’ll just come up with a policy kung ilang years ka namin na hindi bibigyan ng baril. Just try us. Subukan niyo, mag-violate po kayo. Tatanggalin po namin kayo, habang buhay na hindi na kayo magdadala ng baril,” dagdag ng opisyal.

Ani Marbil naglagay ang PNP ng 1,472 checkpoints sa buong bansa sa gitna ng election gun ban.

Kasado ang gun ban hanggang June 11, 2025, sa ilalim ng Commission on Election (Comelec) Resolution No. 11067, sa layuning bawasan ang election-related violence. RNT/SA