Home METRO 4 arestado sa kalahating kilong ‘bato’ sa Sampaloc, Maynila

4 arestado sa kalahating kilong ‘bato’ sa Sampaloc, Maynila

MANILA, Philippines – Arestado ang apat na katao na itinuturing na mga High Value Individuals sa Sampaloc, Maynila matapos mahulihan ng kalahating kilo ng shabu.

Tinatayang aabot sa halagang P3.4 milyon ang nakuha sa mga suspek sa Panay St. Brgy. 560

Kinilala ang mga suspek na si Marko Anthony Aviles alyas Tisoy, Kim Doloyas alyas Moymoy, John Mark Claritin alyas JM at Eduardo Buico alyas Loloy.

Ayon sa pulisya, isang entrapment operation ang ikinasa ng Manila Police District Station Drug Enforcement Unit matapos makatanggap ng impormasyon sa umanoy bentahan ng droga sa lugar.

Nasa kulungan na sa MPD ang apat na suspek at kasalukuyang nahaharap sa kasong illegal drugs. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)