Home METRO P448K tobats nasabat sa Makati

P448K tobats nasabat sa Makati

MANILA, Philippines – Sa pagsisilbi ng search warrant ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Makati City police laban sa isang drug suspect ay nakumpiskahan ito ng P448,000 ng shabu Miyerkules ng gabi, Marso 12.

Sa report na isinumite ng Makati City police kay Southern Police District (SPD) director PBGen Manuel Aburgena ay kinilala ang inarestong suspect na si alyas Vincent, 54.

Base sa imbestigasyon ng Makati City police, naganap ang pagdakip sa suspect bandang alas 7:24 ng gabi sa Barangay Tejeros, Makati City.

Naisagawa ng mga operatiba ng SDEU ang naturang operasyon sa bisa ng isinilbing Search Warrant No. 25-038 na inisyu ni Makati City Regional Trial Court (RTC) Executive Judge Gina M. Bibat-Palamos ng Branch 64.

Sa isinagawang operasyon ay nakumpiskahaan ang suspect ng kulay asul na sling bag na naglalaman ng isang knot-tied transparent bag at walong heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng may kabuuang 66 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P448,800.

Bukod pa sa ilegal na droga ay nakuha din sa posesyon ng suspect ang aluminum foil strip, digital weighing scale, dalawang gunting, apat na disposable lighters, plastic sachets, tatlong tig-P100, at isang P50.

Ang nakumpiskang ebidensya ay dinala sa SPD Forensic Unit para sumailalim sa laboratory analysis.

KAsalukuyang nakapiit sa custodial facility ng Makati City police ang suspect na nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 11 at 12, Article II ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) sa Makati City Prosecutor’s Office. (James I. Catapusan)