Home NATIONWIDE Walang mass resignation sa PNP, AFP kasunod ng pag-aresto kay Digong

Walang mass resignation sa PNP, AFP kasunod ng pag-aresto kay Digong

MANILA, Philippines – Itinanggi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ang mga ulat ng mass resignation kasunod ng pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay AFP spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, nananatiling propesyonal at hindi partisan ang AFP, na nakatuon sa pagsunod sa batas.

Kinumpirma rin ng Philippine Air Force na walang naitalang pagbibitiw o kaguluhan sa kanilang hanay.

Pinabulaanan din ni PNP spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo ang mga ulat ng pagbibitiw ng mga pulis, binigyang-diin na bagamat may sariling paniniwalang politikal ang mga opisyal, kailangang sundin nila ang etikal na pamantayan.

Idinagdag niya na peke ang mga social media post tungkol sa mass resignation, batay sa imbestigasyon ng PNP Anti-Cybercrime Group.

Pinabulaanan din ni Fajardo ang viral video na umano’y umiiyak ang mga pulis sa pag-aresto kay Duterte, nilinaw niyang pawis lamang ang pinupunasan ng mga opisyal dahil sa init at dami ng tao. Santi Celario