Home NATIONWIDE Vote-buying complaint inihain vs Solid North party-list nominee

Vote-buying complaint inihain vs Solid North party-list nominee

MANILA, Philippines – Naghain ng pormal na reklamo ang residente ng Abra laban sa unang nominado ng Solid North party-list sa umano’y vote-buying sa isang kaganapan ng Department of Education (DepEd) noong Pebrero.

Natanggap ng Comelec ang reklamo na inihain ni Hermino Zapata laban kay Solid North partylist nominee Menchie Bernos at Abra DepEd official noong Marso 7, 2025.

Sa walong pahinang reklamo, inakusahan ni Zapata si bernos ng paglabag sa Sections 261(a) (1) (b) of the Omnibus Election Code ng dumalo siya ng DepEd Education Summit sa Abra noong Pebrero 15.

Sinabi ng complainant na sa kabila ng hindi pagiging DepEd official ni Bernos, nakita ito sa stage kasama ang opisyal at iba pang mga education personnel.

May mga nakita rin umanong mga tarpaulin ng Solid North party-list sa venue.

Sinabi rin ni Zapata na ang mga dumalo ay tumanggap umano ng tumblers na naglalaman ng P3,000 cash at may logo at official ballot number ng party-list sa nasabing kaganapan.

Sinisikap namang kunan ng mamahayag ng komento ang nasabing party-list kaugnay sa nasabing alegasyon. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)