Home METRO Marso 17, 2025 idineklarang special non-working day sa Davao City

Marso 17, 2025 idineklarang special non-working day sa Davao City

DAVAO – IDINEKLARA ng Malakanyang ang March 17, 2025 bilang special non-working day sa Davao City para sa pagdiriwang ng Araw ng Pasasalamat sa 88th Araw ng Davao nito.

Nakasaad sa Proclamation No. 825 na “it is but fitting and proper that the people of the City of Davao be given full opportunity to participate in the occasion and enjoy the celebration.”

Ang proklamasyon ay nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin nito lamang March 11, isang araw bago pa arestuhin si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte at inilipat sa The Hague sa The Netherlands para harapin ang paglilitis sa kasong ‘crimes against humanity’ na isinampa laban sa kanya.

Ang Davao City ay balwarte ng mga Duterte.

Ang 88th Araw ng Dabaw ay nagsimula noong March 1 sa Rizal Park matapos ang isang Holy Mass sa San Pedro Cathedral.

Kabilang sa naging tampok ng selebrasyon ay ang Mutya ng Dabaw grand coronation sa March 15 at Parada Dabawenyo sa March 16.

Inaasahan naman ang iba’t ibang selebrasyon sa ilang barangay sa lungsod. Kris Jose