MANILA, Philippines – Parehong pamamaraan na ginamit sa pag-aresto kay dating pangulong Rodrigo R. Duterte ang ipatutupad muli sa pag-aresto sa iba pang akusadong Filipino na papatawan ng arrest warrants ng International Criminal Court (ICC).
“I don’t want to preempt the ICC, we already have a model on how to implement them to whoever will be the subject of the arrest warrants,” sinabi ni Justice Undersecretary Nicholas Felix L. Ty
Magugunita na bukod kay Duterte, iniimbistigahan din ng ICC suna Senador Bato dela Rosa, dating PNP Chief Oscar Albayalde at iba pang dating opisyal na nagpatupad ng drug war campaign.
“Abangan na lang natin kung maglalabas ng warrant of arrest laban sa kanila,” ani Ty.
Ipinaalala ni Ty na kahit hindi na umano miyembro ng ICC ang Pilipinas, kailangan pa rin nitong ipatupad ang arrest warrant dahil sa pagiging miyembro ng Interpol.
Maliban dito, ipinatutupad din ng pamahalaan ang Republic Act (RA) No. 9851, Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law, Genocide at Other Crimes Against Humanity.
Ang mga batas na ito aniya ay halos katumbas ng Rome Statute. Teresa Tavares