Home METRO 4 arestado sa pagpapaliyab sa modern jeep sa Quezon

4 arestado sa pagpapaliyab sa modern jeep sa Quezon

MANILA, Philippines- Nadakip ng mga awtoridad ang apat na suspek sa pagsunog sa  isang modern jeepney sa lalawigan ng Quezon.

Sa ulat nitong Biyernes, sinabi ni Lt. Gen. Rhoderick Armamento, direktor ng Philippine National Police (PNP) Area Police Command-Southern Luzon (APC-SL), na naaresto ang mga suspek na sina Ernesto Orcine, Noel Mariano, Dominic Ramos, at Jade Francis Castro, sa follow-up operation sa Mulanay, Quezon nitong Huwebes.

Naglunsad ng operasyon ang mga pulis matapos makatanggap ng impormasyong ang mga suspek ay nasa isang resort sa Barangay Butanyog sa bayan ng Mulanay.

Kinilala rin ang mga suspek ng driver, bus conductor, at isa sa mga pasahero, ayon kay Armamento.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, pinara ang modern jeepney, pagmamay-ari ng Gumaca Transport, ng apat na kalalakihang nakasuot ng bonnets sa Barangay Dahican, Catanauan, Quezon nitong Miyerkules ng gabi.

Pinababa ng mga suspek ang mga pasahero saka pinasabugan ng Molotov bomb ang sasakyan.

Kasalukuyang nakaditene ang mga suspek sa Catanauan Municipal Police Station at mahaharap sa kasong arson. RNT/SA

Previous articlePrelim probe sa Camilon case ipinalilipat
Next articlePagbasura sa purchase booklet bubusisiin ng DSWD