Home NATIONWIDE Pagbasura sa purchase booklet bubusisiin ng DSWD

Pagbasura sa purchase booklet bubusisiin ng DSWD

MANILA, Philippines- Pag-aaralang mabuti ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang posisyon kapwa nina ACT-CIS Partylist Rep. at dating DSWD Secretary Erwin Tulfo at Marikina Rep. Stella Quimbo na ibasura na ang purchase slip booklet para sa mga lolo’t lola.

Base ito sa preliminary results ng congressional investigation nina Tulfo at Quimbo ngayong linggo.

Sa katunayan, inatasan ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang Program Management Bureau (PMB) ng departamento na magsagawa ng masusing pag-aaral at rekomendasyon sa senior citizen purchase slip booklet

Aniya, marami na rin kasi silang natatanggap na reklamo mula sa mga lolo’t lola kaugnay sa discount booklet requirement sa pagbili ng kanilang mga gamot at iba pang pangangailangan.

“In previous years, the department received various concerns and complaints through various means of communication, relative to the availment of senior citizen discounts,” ayon pa rin sa Kalihim.

May kabuuang 24 reklamo na ang natanggap ng departamento noong 2022 at 2023, ayon naman kay DSWD Assistant Secretary for Strategic Communications at spokesperson Romel Lopez.

Ayon pa rin kay Gatchalian, makikipag-ugnayan sila sa Department of Health (DOH) at iba pang kinauukulang ahensya para simulan ang operationalization ng abolisyon ng booklet.

Sa kabilang dako, nakasaad sa position paper ng DSWD-PMB, may petsang Pebrero 1, inirekomenda nito na alisin na ang purchase slip booklet bilang requirement para sa mga senior citizens sa pagbili ng kanilang medisina at palitan ito ng digital records.

“Considering the mobility and tendency to forget to bring their booklets and even read their content, it is no longer convenient on the part of senior citizens to use purchase slip booklets,” ang nakasaad sa position paper ng DSWD-PMB.

“With the fast-paced technology and innovations, it is recommended to adopt an established system for monitoring, storing, and reporting data towards an efficient, consistent, and uniform implementation of the law and provisions for the availment of medicines, basic necessities, and prime commodities, among others,” dagdag nito.

Sinabi pa ng DSWD-PMB na sa digitalisasyon, ang mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan gaya ng National Commission of Senior Citizens (NCSC), DOH, Department of Information and Communication Technology, Department of Trade and Industry, Department of the Interior and Local Government, Bureau of Internal Revenue, and the Department of Justice, at representasyon mula sa non-government organizations (NGOs), ay makikipag-partner sa mga miyembro ng pribadong sektor na nag-aalok ng serbisyo sa mga lolo’t lola.

Ang paglikha ng NCSC noong 2019 sa bisa ng RA 11350 ang naging daan para lusawin ang National Coordinating and Monitoring Board (NCMB), kung saan ang DSWD ang dating chair habang ang mga member agencies ay may pangunahing gawain na i-monitor ang magkakatulad na implementasyon ng Republic Act (RA) No. 9994, o Expanded Senior Citizens Act of 2010.

“The NCSC must conduct an immediate policy review accompanied by the issuance of guidelines that outline the benefits of abolishing the use of a physical booklet system, data sharing mechanisms of pharmacies and/or other relevant stakeholders nationwide, and the integration of the PhilSys ID system. The call for policy review will ensure the government’s commitment to delivering improved services to our senior citizens, embracing new technological advancements, and fostering more integrated and efficient government services,” ayon sa DSWD-PMB. Kris Jose

Previous article4 arestado sa pagpapaliyab sa modern jeep sa Quezon
Next articleMga kompanyang dededma sa reklamong sexual harassment ng employee mapapanagot sa batas – SC