MANILA, Philippines – Apat na indibidwal kabilang ang dalawang drug suspects ang arestado sa isinagawang ‘Oplan Galugad’ ng Valenzuela -PNP matapos maaktuhang naglalaro ng ‘cara y cruz’ ang mga ito sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela City.
Nagsasagawa ng anti-criminality operation ‘Oplan ‘Galugad’ ang mga tauhan ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento nang maaktuhan nila ang dalawang kelot na nagsusugal umano ng ‘cara y cruz’ dakong alas-12:08 ng tanghali sa isang bakanteng lote sa G Marcelo St., Brgy., Maysan.
Kaagad nilang nilapitan ang dalawa sabay nagpakilala bilang mga pulis na nakatalaga sa Police Sub-Station 9 at nakumpiska sa kanila ang bet money, pangara at isang plastic sachet ng umano’y shabu na nakuha kay alyas “Marlo”, 34,
Nuna rito, naaresto din ng mga tauhan ng Police Sub-Station 8 ang dalawang lalaki habang naglalaro din umano ng ‘cara y cruz’ alas-6:30 ng umaga sa Tatalon St., Brgy., Ugong.
Nasamsam sa kanila ang perang taya, pangara at isang plastic sachet ng hinihinalang shabu na nakumpiska umano kay alyas “Robel”.
Sinampahan na ang mga suspek ng kasong paglabag sa PD 1602 (Anti-Gambling Law) at R.A 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002). Merly Duero