Home METRO 4 babaeng biktima ng human trafficking nasagip ng BI

4 babaeng biktima ng human trafficking nasagip ng BI

MANILA, Philippines- Naharang at nailigtas ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) ang apat na babaeng Pilipino na nabiktima ng human trafficking syndicate para magtrabaho bilang waitress sa China noong Abril 21.

Nabatid sa BI na ang mga nasabing kababaihan na itinago ang pagkakakilanlan alinsunod sa mga batas laban sa trafficking, ay dinakip sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 matapos nilang magpakilala bilang mga turista na patungo sa Hong Kong.

Ayon sa mga biktima, naakit sila ng isang babaeng Taiwanese na nakilala nila sa pamamagitan ng WeChat. Ang indibidwal na ito ay nangako sa kanila ng mga mapagkakakitaang trabaho bilang mga waitress sa China.

Napag-alaman sa mga imbestigasyon na ang mga biktima ay inutusang magpanggap bilang mga turista at dapat ay tatanggap ng kanilang mga visa para sa China pagdating sa Hong Kong, kung saan sila ay magpapatuloy sa kanilang trabaho sa ilegal na proseso.

“These women were deceived into agreeing into the scheme to work abroad,” ani BI Commissioner Norman Tansingco. “But in reality, they were being trafficked for exploitation and illegal employment.”

“Human trafficking is a heinous crime that preys on the most vulnerable members of society. We will continue to work tirelessly to thwart these criminal activities and bring the perpetrators to justice,” dagdag pa ni Tansingco.

Ang mga biktima ay inilipat sa inter-agency council against trafficking upang sila ay matulungan habang ang mga recruiter naman ay inirekomenda na ilagay sa blacklist ng BI. JAY Reyes