Home NATIONWIDE 4 bagong motorcycle taxis pinayagang mag-operate sa Central Luzon, CALABARZON – LTFRB

4 bagong motorcycle taxis pinayagang mag-operate sa Central Luzon, CALABARZON – LTFRB

MANILA, Philippines – Sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) nitong Lunes, Disyembre 23 na pinayagang mag-operate ang apat na bagong motorcycle taxi firms sa Central Luzon at Calabarzon.

Sa pahayag, sinabi ni LTFRB chairman Atty. Teofilo Guadiz na ang Taxsee Philippines, ParaXpress, GrabBike, at Dingdong ay may nakatalagang rider cap na tig-2,000.

“Ang dumagdag po riyan ay apat po: Taxsee Philippines, ParaXpress, Grab, and Dingdong. Ito lang po ang dumagdag sa MT taxi … nadagdag po sila mga four months ago,” ani Guadiz.

”They were only given 2,000 each. The agreement is that they should be deployed outside the NCR. So these are deployed in Regions 3 and 4. They have been relegated to Regions 3 and 4, ‘yun lang po,” dagdag pa niya.

Ang pahayag ni Guadiz ay kasunod ng reklamo mula sa mga rider na mayroong mga transportation network companies ang nag-ooperate nang walang kaukulang authorization mula sa government regulators, partikular na sa Lipa City.

Ipinunto ng opisyal na bagamat kulang ang bilang ng motorcycle taxi riders sa bansa, hindi naman kailangan ng karagdagang drayber sa Metro Manila. RNT/JGC