Home NATIONWIDE Babae sinunog habang natutulog sa subway train sa New York

Babae sinunog habang natutulog sa subway train sa New York

UNITED STATES – Inaresto ng pulisya ang lalaki na nanunog ng isang babaeng natutulog lamang sa New York City subway train nitong Linggo ng umaga, Disyembre 22.

Sa ulat, ang babae ay natutulog sakay ng stationary F train sa Coney Island-Stillwell Avenue subway station sa Brooklyn bandang 7:30 ng umaga nang lumapit ang isang hindi pa tukoy na lalaki at sinilaban ang damit nito gamit ang lighter.

Walang naging interaksyon sa pagitan ng dalawa bago ang panununog at hindi rin umano naniniwala ang New York Police Department na kilala nito ang isa’t isa.

“What they saw was a person standing inside the train car fully engulfed in flames,” pahayag ni New York Police Commissioner Jessica Tisch sa isang press conference.

Ginamitan ng fire extinguisher ng mga awtoridad ang babae para maapula ang sunog ngunit idineklarang dead on the spot ng mga rumesponde.

Matapos ang insidente ay agad na naaresto ang suspek habang nakasakay sa subway.

Iniimbestigahan ng pulisya ang pagkakakilanlan ng biktima at ang dahilan ng pag-atake. RNT/JGC