MANILA, Philippines – Nasa 120 pamilya ang nawalan ng tirahan nang sumiklab ang sunog sa residential area sa Barangay Pag-asa III, Imus City, Cavite nitong Lunes ng umaga, Disyembre 23.
Ang mga apektadong pamilya ay tumutuloy ngayon sa Tinabunan Elementary School.
Ayon sa Imus City government, ang sunog ay nagsimula 5:06 ng umaga at umabot sa unang alarma pagsapit ng 5:43 ng umaga.
Mabilis umano ang naging pagkalat ng sunog dahil pawang gawa sa light materials ang mga natupok na tirahan.
Tinatayang aabot sa P250,000 ang halaga ng pinsala sa sunog. RNT/JGC