MANILA, Philippines – Libre ang pagdaan sa ilang expressway sa bansa ngayong Pasko at sa Bagong Taon, ayon sa Metro Pacific Tollways Corp. (MPTC) nitong Lunes, Disyembre 23.
Ayon sa MPTC, hindi maniningil ng toll fees sa mga sumusunod na petsa:
Disyembre 24 (10 p.m.) hanggang Disyembre 25 (6 a.m.)
Disyembre 31 (10 p.m.) hanggang Enero 1 (6 a.m.)
Sakop nito ang North Luzon Expressway (NLEX), NLEX Connector, Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX), Cavite-Laguna Expressway (CALAX), at Manila-Cavite Expressway (CAVITEX).
Nauna nang sinabi ng San Miguel Corporation (SMC) na hindi rin sila maniningil ng toll fees sa Skyway System, NAIA Expressway (NAIAX), South Luzon Expressway (SLEX), STAR Tollway, at Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX) sa mga piling oras sa holiday season. RNT/JGC