Home METRO 4 Chinese national na nasa likod ng pekeng government IDs, arestado sa...

4 Chinese national na nasa likod ng pekeng government IDs, arestado sa Palawan

MANILA, Philippines – NAARESTO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang apat na Chinese national sa Palawan City na nasa likod ng paglaganap ng mga pekeng government-issued identification cards at mga dokumento sa isinagawang operasyon sa Palawan.

Kinilala ni BI intelligence division Chief Fortunato Manahan, Jr. ang apat na Chinese national na si Wang Tao, Li Xiaoming, Guo Zhi Yang, and Lyu Zhiyang na naaresto sa Brgy. San Pedro sa Palawan City katuwang ang mga operatiba ng Naval Forces West, National Intelligence Coordinating Agency 4B, at Armed Forces of the Philippines.

Si Lyu na may alyas na Ken Garcia Lee, ang itinuturong mastermind ng operasyon at binansagang mafia leader sa Palawan.

Noong isinagawa ang operasyon, maraming mga Philippines-issued ID ang natagpuan at nakumpiska kabilang dito ang drivers’ licenses, postal IDs, at mga birth certificates.

“The arresting team of the operation have been working on the case for several months and have kept close coordination with intelligence forces and law enforcement agents to ensure the smooth arrest of the subjects,” ayon kay Manahan.

“These foreign nationals use Philippine documents to avoid inspection, buy property, or even interfere in politics,” ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco.

“The arrest of Lyu and his gang will definitely hurt the operations of these entities, and hopefully put a stop to the proliferation of fraudulently-acquired documents,” dagdag pa nito. JAY Reyes

Previous article6 na sasakyan inararo ng container van; mag-asawa todas
Next articleLalaking nakaupo sa labas ng bahay, binaril patay