Home HOME BANNER STORY 6 na sasakyan inararo ng container van; mag-asawa todas

6 na sasakyan inararo ng container van; mag-asawa todas

Bulacan – Patay ang mag-asawa na lulan ng tricycle matapos masagasaan ng rumaragasang container van sa bayan ng Bocaue.

Sa inisyal na nakuhang impormasyon, ang dalawang kalunos-lunos na biktima ay pawang mag-asawa na kinilalang sina Jenny at Larry ng Brgy. Tambubong.

Nalamang naganap ang insidente bandang 1:00 ng tanghali nitong Lunes, Abril 1, sa harap ng Intercity Gate 1, McArthur highway, Brgy. Wakas.

Ayon pa sa impormasyon, nawalan ng kontrol ang rumaragasang container hanggang sa mabangga ang tricycle na lulan ang mag-asawang bumili lamang ng sako.

Dahil dito, nagkalasog-lasog ang katawan ng babae dahilan para sumambulat ang kanyang lamang loob sa kalsada.

Sa sobrang bilis ng container van ay ilang metro pa ang inilayo bago tuluyang huminto kasama ang katawan ng biktimang lalaki na pumailalim, umipit at malasog ang katawan sa ilalim ng naturang truck.

Sinasabing aabot sa anim pang mga sasakyan ang nabangga ng naturang truck sa nasabing insidente.

Sinusulat ito, may impormasyong hawak na ng mga awtoridad ang driver ng truck na nahaharap sa kaukulang kaso.

Kaugnay nito, nagdulot ng mabagal na daloy ng trapiko sa magkabilang-panig ng Mc Arthur highway sa nasabing bayan. Dick Mirasol III

Previous articleWalang human transmission ng bird flu sa Leyte – DOH
Next article4 Chinese national na nasa likod ng pekeng government IDs, arestado sa Palawan