Home HOME BANNER STORY Walang human transmission ng bird flu sa Leyte – DOH

Walang human transmission ng bird flu sa Leyte – DOH

MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Health (DOH) na walang kumpirmadong kaso ng human transmission ng bird flu sa Leyte, isang linggo matapos matuklasan ang kauna-unahang kaso ng Avian Influenza sa rehiyon.

Ayon sa pinakahuling report mula sa regional epidemiology and surveillance unit, sinabi ng DOH regional office na ang dalawang naitalang kaso ng bird flu sa poultry farm sa Kananga, Leyte, ay hindi nakakahawa ng tao.

Mahigpit namang minomonitor ng municipal health office ng Kananga ang 23 poultry farm workers na may close contact sa mga manok at kasalukuyang walang naiulat na sintomas ng sakit sa mga tauhan.

Natapos na rin ang kanilang 10 day quarantine noong Marso 28, ayon sa DOH.

Sinabi ng DOH na paiigtingin nito ang kanilang surveillance activities sa rehiyon kahit na walang kumpirmasyon ng human transmission sa mga karamdamang tulad ng trangkaso.

Palalakasin din ng DOH ang kampanya hinggil sa kahalagahan ng pagpapalakas ng immune system, at patuloy na makikipag-ugnayan sa Department of Agriculture (DA) para sa karagdagang balita tungkol sa bird flu sa rehiyon.

Bagama’t walang dapat ikabahala ang publiko, pinaalalahanan ng DOH ang mga ito na maging alerto sa iba pang mga ulat hinggil sa sakit na ito at iba pang mga nakakaalam na sakit sa rehiyon at tumutok lamang sa mga mapagkakatiwalaang news sources.

Ang avian influenza, o bird flu, ay isang sakit na dulot ng impeksyon ng avian (bird) influenza (flu) Type A virus.

Ang mga karaniwang sintomas ay kasama ang paghingal, nasal discharge at pamamaga ng mga ulo. Dalawang manok ang nagpositibo sa bird flu sa isinagawang rapid test noong Marso 13.

Ayon pa sa DOH, ang mga migratory bird at ang ilegal na paggalaw ng mga nahawaang ibon ay maaaring pagmulan ng impeksyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleHeadline inflation sa buwan ng Marso, inaasahang mula 3.4 ‘gang 4.2% – BSP
Next article6 na sasakyan inararo ng container van; mag-asawa todas