Home NATIONWIDE Headline inflation sa buwan ng Marso, inaasahang mula 3.4 ‘gang 4.2% –...

Headline inflation sa buwan ng Marso, inaasahang mula 3.4 ‘gang 4.2% – BSP

MANILA, Philippines – Inaasahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na mananatili sa 3.4 hanggang 4.2 percent ang headline inflation para sa buwan ng Marso.

“Continued price increases of rice and meat along with higher domestic oil prices and electricity rates are the primary sources of upward price pressures for the month,” saad sa pahayag ng BSP nitong Lunes, Abril 1.

Sinabi ng central bank na ang mababang presyo sa mga prutas, gulay at isda kasama ang peso appreciation ay mag-ambag sa downward price pressures.

“Going forward, the BSP will continue to monitor developments affecting the outlook for inflation and growth in line with its data-dependent approach to monetary policy decision-making,” sinabi pa ng BSP.

Ang headline inflation noong Pebrero ay naitala sa 3.4 percent.

Ilalabas sa Biyernes ang opisyal na March 2024 headline inflation. RNT/JGC

Previous articleNAIA nakapagtala ng mahigit 1M pasahero nitong Semana Santa
Next articleWalang human transmission ng bird flu sa Leyte – DOH