Home NATIONWIDE 4 Chinese national tiklo sa pagbebenta ng high-powered firearms

4 Chinese national tiklo sa pagbebenta ng high-powered firearms

111
0

MANILA, Philippines – Arestado ang apat na indibidwal sa Paranaque City sa illegal na pagbebenta ng high-powered firearms.

Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, inaresto sina JEROME V. NUYQUE, MAXIMO G. AYAWON, MICHAEL DOUGLAS E. LOLENG at NILO M. BARNACHA ng NBI-National Capital Region (NBI-NCR).

Nakatanggap umano ang ahensya ng ulat tungkol sa isang grupo na nagpapatakbo ng illegal na pagbebenta ng matataas na kalibre ng baril sa NCR at kalapit na lugar.

Dahil dito, nagsagawa ng entrapment operations ang NBI-NCR sa Asiana Square, ParaƱaque City, kung saan dalawang M14 Cal.5.56 rifles na binili ng poseur-buyer kapalit ng P290,000 na nagresulta ng pag-aresto sa mga dayuhan.

Nahulihan ng baril at mga bala ang mga suspek. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here