MANILA, Philippines – Apat na kabataang babae ang nagkagulo at naghagisan ng plato at mangkok sa isang kainan sa Barotac Nuevo, Iloilo, dahil sa selos sa iisang lalaki na si alyas Pogi.
Nakuhanan sa video ang insidente.
Naayos naman ang gulo sa tulong ng mga opisyal ng barangay, ngunit isang lalaki ang nasugatan sa mukha at magsasampa ng kaso.
Hinihingi rin ng may-ari ng kainan ang bayad sa mga nasirang kagamitan. RNT