MANILA, Philippines – Nanguna si Chloe Vernice Zuñiga Uy mula sa Centro Escolar University sa Dentists Licensure Examination ngayong Mayo 2025 na may iskor na 87.93%, ayon sa Professional Regulation Commission (PRC).
Sa kabuuang 969 kumuha ng pagsusulit, 764 ang pumasa.
Pinakamahusay na paaralan ang Our Lady of Fatima University-Valenzuela na may 55 sa 60 ang pumasa, kasunod ang Centro Escolar na may 184 sa 222. RNT