Kumpirmado na ng Commission on Appointments (CA) sina Ma. Theresa Lazaro bilang kalihim ng Department of Foreign Affaird at Jose Ramon Aliling bilang kalihim ng Human Settlements.
Nangakong paiigtingin ni Lazaro ang diplomatikong posisyon ng Pilipinas at serbisyo-konsular.
Ipinanukala naman ni Aliling ang reporma sa pabahay at digitalisasyon ng proseso.
Kinumpirma rin ng CA ang mahigit 150 opisyal mula sa DFA, DHSUD, at AFP sa sesyong pinangunahan ni Senate President Escudero. RNT