Home HOME BANNER STORY 4-day work week sa ilang ahensya ng gobyerno magsisimula sa Marso 9...

4-day work week sa ilang ahensya ng gobyerno magsisimula sa Marso 9 – PBBM

195
0

MANILA, Philippines – Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pansamantalang implementasyon ng four-day work week sa ilang tanggapan ng gobyerno sa ilalim ng ehekutibong sangay ng pamahalaan, simula Marso 9.

Ang direktiba ay bahagi ng contingency measures ng gobyerno para tugunan ang epekto ng nagpapatuloy na krisis sa Gitnang Silangan sa bansa.

“Para naman sa bahagi ng pamahalaan: Simula sa Lunes, ika-9 ng Marso, pansamantala nating ipapatupad ang four-day work week sa ilang tanggapan ng ehekutibo,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa isang video message.

Nilinaw ng Pangulo na hindi saklaw ng four-day work week ang mga ahensiya ng gobyerno na nagkakaloob ng emergency o essential services, gaya ng pulisya, bumbero, at tanggapan na nagbibigay ng frontline public services.

Ipinagbabawal din ni Pangulo Marcos ang mga hindi kailangan na government travels at aktibidad kabilang na ang ‘study tours, team-building activities, o mga pagpupulong na maaaring gawin online.

Samantala, muli namang inulit ng Pangulo ang kanyang panawagan sa lahat ng mga ahensiya ng gobyerno na magtipid ng mga resources at bawasan ang electricity consumption at petroleum expenses ng 10 hanggang 20 porsiyento.

Ipinag-utos din ni Pangulong Marcos sa mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno gaya ng Department of Foreign Affairs, Department of Migrant Workers and the Overseas Workers Welfare Administration na tiyakin n patuloy na nakikipag-ugnayan sa isa’t isa para tulungan ang mga filipino na kasalukuyang nasa Gulf nations.

“Nasimulan na po ang paglikas ng mga Pilipino na nais magpa-repatriate at sa oras ligtas na ang pag biyahe ay ma-ilikas na natin lahat,” ayon sa Pangulo. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here