Home HOME BANNER STORY 4 dayuhan kulong sa pagpunit sa watawat ng Pinas sa pagkabugnot sa...

4 dayuhan kulong sa pagpunit sa watawat ng Pinas sa pagkabugnot sa trapik

MANILA, Philippines – Hinuli ng awtoridad sa Ternate, Cavite ang apat na dayuhan matapos na sirain at bastusin ang watawat ng Pilipinas.

Sinabi ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. na papunta ang mga suspek sa Puerto Azul ngunit naabutan sila ng matinding traffic.

Dahil sa pagkabugnot, hinatak ng mga dayuhan ang bandera ng Pilipinas na nakasabit sa flag pole sa Marine Base Gregorio Lim at pinagpupunit ito.

Nasaksihan naman ng opisyal ng Philippine Marines ang pambabastos ng mga dayuhan sa watawat at iniulat ito sa Philippine National Police, kaya nahuli ang mga ito.

Nakakulong na ang mga dayuhan na kinasuhan sa paglabag sa RA8491 o The Code of the National Flag. RNT