Home HOME BANNER STORY Pinay hinostage, pinatay ng ex-jowa sa Las Vegas

Pinay hinostage, pinatay ng ex-jowa sa Las Vegas

MANILA, Philippines – Patay ang isang Pinay matapos dukutin at i-hostage ng kanyang dating kasintahan sa Las Vegas, Nevada, ayon sa ulat ng Las Vegas Metropolitan Police Department (LVMPD).

Si Rizza Abrera ay puwersahang dinukot mula sa isang nail salon sa Southwest Las Vegas ng suspek na kinilalang si Steven Robert Evans.

May baril pa umano ang suspek habang kinakaladkad ang Pinay sa loob ng kanyang sasakyan.

Gayunpaman, natunton ng mga awtoridad ang sasakyan ni Evans sa kanyang apartment, kung saan nagkaroon ng standoff.

Nakapasok ang isang SWAT team sa apartment. Pero pagkapasok, nakita nilang patay na ang biktima at suspek. RNT