Home NATIONWIDE 4 dayuhang manyakis hinarang sa NAIA

4 dayuhang manyakis hinarang sa NAIA

MANILA, Philippines – HINARANG ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang apat pang foreign sex offenders na nahatulan ng sex crimes sa kanilang bansa.

Sa pahayag ni Immigration Commissioner Norman Tansingco, ang apat na pasahero naa kinabibilangan ng isang Australian, dalawang Amerikano, at isang German ay hindi pinapasok sa NAIA terminal 1 at 3 sa magkahiwalay na okasyon.

Kinilala ang Australian na si Romeo Monje, 89, na dumating noong Marso 12 sa pamamagitan ng Philippine Airlines mula Sydney.

Si Monje ay iniulat na hinatulan sa Australia ng walong bilang ng indecent assault kung saan ang biktima ay 16 taong gulang lamang.

Inalerto ang BI tungkol sa nalalapit na pagdating ni Monje ng national central bureau ng Interpol sa Maynila na nakatanggap ng tip mula sa Australian counterpart nito hinggil sa kanyang pagpunta sa Pilipinas.

Samantala, dumating noong Marso 14 ang American nationals na si John Kenneth Hayes, 48, habang si Sherman Elliot Douglas, 64, ay dumating kinabukasan, kapwa sa pamamagitan ng Eva Air flight mula Taipei.

Sinabi ng border control and intelligence unit (BCIU) ng BI na hinatulan ng korte sa Florida si Hayes noong 1998 dahil sa paggawa ng lewd assault at sexual battery sa isang 16-taong-gulang na biktima.

Sa kabilang banda, batay sa rekord ng US na si Douglas ay nahatulan noong 2020 dahil sa 3rd degree sexual exploitation sa isang menor de edad.

Panghuli, sinubukan ng German national na si Ralf Bultschnieder na pumasok sa bansa noong Marso 18 sakay ng Turkish Airlines flight mula Istanbul.

Si Bultschnieder ay hinarang ng mga opisyal ng imigrasyon matapos makatanggap ng impormasyon sa kanyang pagkakasangkot sa mga exploitation activities.

Dahil dito, ang apat ay inilagay sa immigration blacklist upang hindi na sila makapasok sa bansa. Jay Reyes

Previous article8% GDP growth rate kumpyansang maaabot sa PBBM admin
Next articleMoratorium sa student loan sa emergency situation aprubado na sa Kamara