Home NATIONWIDE 8% GDP growth rate kumpyansang maaabot sa PBBM admin

8% GDP growth rate kumpyansang maaabot sa PBBM admin

MANILA, Philippines – NAGPAHAYAG ng kumpiyansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sa ilalim ng kanyang termino ay matatamaan ang 8% gross domestic product (GDP) growth rate sa Pilipinas.

“Sure, why not? You know, we always plan for the idea, we don’t plan for a mediocre result, we plan for a very good result and as I said, we just have to adjust along the way as we continue to transform the economy. I think it is doable,” ayon kay Pangulong Marcos sa panayam ng Bloomberg Television, araw ng Miyerkules.

Inamin ng Chief Executive na ang bansa ay nananatiling nakikipaglaban sa inflation, sabay sabing ito ang pinakamalaking problema ng bansa.

Nauna rito, sinabi ni National Economic and Development Authority Secretary Arsenio Balisacan na kailangang umunlad ang Pilipinas ng higit sa kasalukuyang paglago nito na 6% upang makahabol sa “mas maunlad na mga kapitbahay na bansa nito.”

Para naman sa World Economic Forum (WEF), posibleng lumago ang ekonomiya ng Pilipinas sa hanggang $2 trilyon sa susunod na dekada sakaling ipagpatuloy ng bansa ang mga reporma nito upang makaakit ng mga pamumuhunan.

“We are optimistic, bullish on the Philippines, provided that the reforms are continuing,” ani WEF president Børg Brende sa isang press conference sa Maynila.

“The World Economic Forum, we are very bullish on the Philippines, provided that reforms do continue. I think that this could be in the coming decade, a $2-trillion economy if there are further investments, in education, infrastructure, and also able to draw on the great competence of the people of the Philippines,” dagdag pa ni Brende.

Ang ekonomiya ng Pilipinas ay nagkakahalaga ng mahigit P24 trilyon o mahigit $400 bilyon noong 2023. Ang ekonomiya na sinusukat sa gross domestic product ay lumago ng 5.6% noong 2023.

Sinabi ng hepe ng WEF na ang pagpapalakas ng mga pamumuhunan sa up-skilling at right-skilling ng 110-milyong populasyon ng Pilipinas ay makakatulong sa higit pang palakasin ang ekonomiya.

Idinagdag ni Brende na dapat pagbutihin pa ng Pilipinas ang pagpapadali ng pagnenegosyo sa pamamagitan ng pagputol ng red tape at mga burukratikong proseso.

Sa kabila naman ng “ilang geopolitical tensions” sa rehiyon, sinabi ng WEF chief na may pagkakataon pa rin ang Pilipinas na makakuha ng mas mataas na pamumuhunan, “lalo na sa manufacturing area.”

Previous articleHindi pa ko laos – Folayang
Next article4 dayuhang manyakis hinarang sa NAIA