MANILA, Philippines- Inaasahang makararanas ang ilang bahagi ng Manila at Quezon City ng power service interruptions sa Mayo 15 at 16 dahil sa scheduled maintenance activities.
Sa abiso sa website ng Manila Electric Company (Meralco), sinabi nitong magsasagawa ito ng relokasyon ng pasilidad nito sa kahabaan ng Taft Avenue at Finance Road.
Kabilang sa mga apektadong lugar sa pagitan ng 11:30 p.m. at 11:59 p.m., Miyerkules, Mayo 15, at 6:00 a.m. at 6:30 a.m., Huwebes, Mayo 16, ang:
Bahagi ng Zobel Street mula Meralco – Tegen substation patungong San Marcelino Street kasama ang Mercedes at Sylvia Streets
Bahagi ng San Marcelino Street mula Ayala Boulevard patungong United Nations Avenue kasama ang Adamson University at Alpha Insurance & Surety Co.
Bahagi ng United Nations Avenue mula San Marcelino Street patungong Taft Avenue kasama ang Manila Police District Headquarters, Araullo High School.
Bahagi ng ng Taft Ave. mula United Nations Avenue patungong Ayala Boulevard saklaw ang Santa Isabel College, Torre De Manila Condominium, Casino Español de Manila, at Masagana Telamart.
Kasama naman sa mga apektadong lugar sa pagitan ng 11:30 p.m., Miyerkules, Mayo 15, at 6:30 a.m., Huwebes, Mayo 16 ang:
Bahagi ng Ayala Boulevard mula Taft Avenue patungong Sylvia Street kasama ang Technological University of the Philippines at Philippine Normal University
Bahagi ng Finance Road mula Taft Avenue patungong P. Burgos Avenue kasama ang National Museum of Anthropology, National Museum of Fine Arts, at Luneta Park.
Inihayag ng Meralco na mag- upgarde rin ito ng pasilidad sa Zabarte Subdivision, Bgy. Kaligayahan, Greater Fairview, Quezon City.
Saklaw ng mga apektadong lugar sa pagitan ng 10:00 p.m., Miyerkules, Mayo 15, at 3:00 a.m., Huwebes, Mayo 16, ang:
Bahagi ng Nightingale, Woodpecker at Mockingbird Streets mula sa malapit sa Skylark Street saklaw ang Oriole Streets sa Zabarte Subd., Bgy. Kaligayahan.
Gayundin, magsasagawa ng replacement of facilities sa Filinvest Homes Subdivision, Phase 1, ayon sa Meralco.
Kabilang sa mga apektadong lugar sa pagitan ng 9:00 a.m. at 3:00 p.m., Huwebes, Mayo 16, ang :
Kabuuan ng Filinvest Homes Subd. Phase 1 kasam ang Presentation of Our Lord Parish sa Bgy. Batasan Hills. RNT/SA






