MANILA, Philippines- Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang internet-based procurement method o ang e-marketplace procurement system ng Department of Budget and Management (DBM).
Sinabi ni Procurement Service – Department of Budget and Management (PS-DBM) executive director Atty. Dennis Santiago na nais ni Pangulong Marcos na maging transparent ang bagong online platform para sa kapakinabangan ng publiko.
“So, we’re focusing on the e-marketplace that we will launch around end of July or early August this year to allow for ease of the procurement or ease of procurement in government,” ayon kay Santiago.
“‘This is also included in the NGPA or the New Government Procurement Act as a proposal and we hope to provide the platform [for] both for sellers and buyers – meaning, sellers, market operators, and of course, government as buyers – to look into products, multiple products in one platform where they can choose, where they can select and, of course, order and actually pay ‘no everything through the system,” dagdag na wika nito.
Binigyang-diin pa ni Santiago na ayaw ng Pangulo na may limitasyon sa pagiging bukas pagdating sa e-marketplace procurement.
Sa kabilang dako, ang government procurement process sa ilalim ng bagong online platform na pinasimulan ni Pangulong Marcos ay magiging maikli at mas mura, magpapalakas sa national digitalization thrust,” ayon sa Department of Budget and Management (DBM).
Maaari aniya itong maging kompleto sa loob lamang ng tatlong araw ayon kay Santiago.
“So sa e-Marketplace po, hindi na kailangan umupo iyong Bids and Awards Committee doon where the procuring entity, basically through perhaps their procurement service or let’s say their admin service, will have to go to the e-Marketplace to conduct the procurement itself,” wika ni Santiago sa press briefing sa Malakanyang.
“Iyong 26 calendar days mo or 136 calendar days for the procurement of goods, mapapaikli mo talaga siya. Say, perhaps, longest one week; shortest, three days to be able to procure,” dagdag na wika nito.
Sa kabilang dako, ang Electronic-Marketplace o e-Marketplace ay isang digital platform na naglalayong padaliin at pagaanin ang “buying and selling activities” sa pagitan ng multiple buyers at sellers. Nagsisilbi ito bilang virtual marketplace kung saan ang mga transaksyon at interaksyon ay nangyayari ‘electronically.’
“Now, with the e-Marketplace, you have products already in the system. Then the government procuring entities will have to select from those products and then already make an order right there and then,” paglalahad ni Santiago.
Winika pa rin ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na ang e-Marketplace, kahalintulad sa popular na e-commerce platforms gaya ng Lazada, Amazon at Shoppee, ay bahagi ng pagsisikap ng administrasyong Marcos na i-digitalize ang procurement system ng gobyerno.
Makatutugon aniya ito sa mga alalahanin ng procurement process na natukoy bilang “biggest bottleneck” sa budget utilization ng mga ahensiya.
Dagdag pa rito, sa pinaikling procurement process, nakikita rin ng PS-DBM ang magiging pagtapyas sa government expenses.
“Maybe, eight to fifteen percent ang matitipid ng gobyerno doon po sa paggamit ng e-Marketplace,” ayon kay Santiago.
“Doon lamang sa cost na ginugugol ng gobyerno kada procurement activity or kada procurement process, not even on the price yet, [may savings na] considering the discounts that you will get from bulk procurement or bulk acquisition,” litaniya ng opisyal. Kris Jose