Home NATIONWIDE Moratorium sa student loan sa emergency situation aprubado na sa Kamara

Moratorium sa student loan sa emergency situation aprubado na sa Kamara

MANILA, Philippines – Sa botong 255 pabor at walang pagtutol, aprubado na sa Kamara sa huli at ikatlong pagbasa ang House Bill 9978, o ang panukalang batas na magbibigay moratorium sa pagbabayad ng mga estudyante ng kanilang loan payments sa panahon ng may krisis, kalamidad o iba pang emergency.

Layon ng panukala na tiyakin na ang tertiary education students ay matutulungan sa panahon na may pangangailangan ito upang hindi mapabayaan ang kanilang pag-aaral lalo na sa panahon ng emergency.

Ayon kay House Speaker Martin Romualdez sakop ng panukala ang mga estudyante na nakaenrol sa state universities at colleges, local universities at colleges, private higher educational institutions, at mga public private technical vocational institutions.

“It provides a moratorium on the payment of all fees, interests, and other charges on loans for higher education and technical-vocational education and training incurred by students enrolled in public or private higher educational institutions or technical vocational institutions themselves or by the Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education Board, any other government or agency or its instrumentality up to 30 days after the declaration of a state of calamity, disaster, crisis situation and other emergencies” nakapaloob sa panukala.

Para makakuha ng nasabing benepisyo ang lugar kung saan residente ang estudyante ay dapat naideklara sa ilalim ng state of calamity o emergency, o ang lugar kung saan ito nakatira ay nakakaranas ng kalamidad o anOmang crisis situation.

Ang nasabing panukala ay ipinasa na ng Kamara sa Senado para sa kanilang pag-apruba. Gail Mendoza

Previous article4 dayuhang manyakis hinarang sa NAIA
Next articlePangunguna pananatalihin ng Creamline, Petro Gazz