MANILA, Philippines- Patay ang apat na indibdiwal habang 13 ang sugatan sa banggaan sa pagitan ng isang passenger van at isang pickup truck sa Barangay Sinawal, General Santos City nitong Linggo.
Sinabi ng General Santos City Traffic Enforcement Unit na pumasok ang pickup truck sa lane ng van, nagresulta sa salpukan ng dalawang sasakyan sa kalagitnaan ng highway.
Agad na binawian ng buhay ang van driver. Base sa mga awtoridad, ang tatlo pang nasawi ay mga pasahero ng van.
Dinala naman ang mga sugatan– siyam mula sa van at apat mula sa pickup truck– sa mga ospital sa lungsod.
Nagsasagawa na ng follow-up investigation ang General Santos TEU. RNT/SA