MANILA, Philippines- Nakapagtala sa bulkang Kanlaon ng mas maraming volcanic earthquakes at sulfur dioxide emission, ayon sa bulletin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) nitong Lunes.
Nitong Linggo, may kabuuang 32 volcanic earthquakes ang naitala sa bulkan, mas marami kumpara sa naiulat na 29 noong Sabado.
Nagbuga rin ang bulkan ng kabuuang 4,604 tonnes ng sulfur dioxide gas. Mas mataas din ito kumpara sa 2,625 tonnes na naiulat sa nakaraang bulletin.
Naobserbahan naman ang moderate emission ng usok na aabot ng 200 metro ang taas at patuloy na degassing mula sa bulkan.
Kasalukuyang umiiral ang Alert Level 3 sa Kanlaon Volcano. RNT/SA