Home METRO Panibagong minor phreatic eruption naitala sa Bulkang Taal

Panibagong minor phreatic eruption naitala sa Bulkang Taal

MANILA, Philippines- Naganap ang panibagong minor phreatic eruption sa bulkang Taal nitong Linggo, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ngayong Lunes.

Sa bulletin, sinabi ng PHIVOLCS na tumagal ang minor phreatic eruption ng apat na minuto.

Naobserbahan din ang moderate emission ng usok na umaabot ng 2,100 metro ang taas mula sa bulkan.

Gayundin, nakapagtala ng dalawang volcanic earthquakes, kabilang ang isang volcanic tremor, na tumagal ng 91 minuto sa Taal Volcano.

Nagbuga rin ang bulkan ng 407 tonnes ng sulfur dioxide gas nitong Sabado.

Nananatili naman sa ilalim ng Alert Level 1 ang bulkan. RNT/SA