Home METRO 4 empleyado ng refilling station arestado sa illegal na pagbebenta ng LPG

4 empleyado ng refilling station arestado sa illegal na pagbebenta ng LPG

MANILA, Philippines -Apat na empleyado ng Sun Power LPG Gas Refilling (Sun Power) ang inaresto ng Bureau of Investigation- Organized and Transnational Crime Division (NBI-OTCD) sa isang entrapment operation dahil sa illegal na pagbebenta ng Liquified Petroleum Gas (LPG).

Kinilala ang mga naaresto na sina Chole Tirando Mejorada, Joshue Roque Bantoy, Markjelo Gonzales Perlata at Jill Arjhea Deleon Inocencio.

Nabatid na ang Sun Power na matatagpuan sa 1031 Matungao, Bulakan, Bulacan ay illegal na nagbebenta ng LPG sa kanilang mga customer gamit ang tatak ng Regasco.

Matapos itong nakumpirma ng NBI-OTCD, nagsagawa ng entrapment operation na nagresulta sa kanilang pagkakaaresto matapos nagpanggap ang isang poseur buyer na nagpa-refill ng LPG.

Narekober kay Inocencio ang 8 LPG cylinder na binili ng poseur buyer, 11 kilogram cylinders at isang 5 kilogram cylinder na may pangalan ng Regasco, apat na generic LPG cylinder, tatlong units na weighing scale at tatlong unit ng hose na may kasamang pole.

Patong-patong na kaso ang isinampa laban sa mga suspek. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous article4 patay sa pamamaril sa California
Next articleExpansion ng Victoria container terminal patunay ng tagumpay ng mga Pinoy sa Australia – PBBM