Home NATIONWIDE 4 patay sa pamamaril sa California

4 patay sa pamamaril sa California

UNITED STATES – Patay ang 4 katao habang may iba pang sugatan sa nangyaring pamamaril sa King City, California.

Ang insidente ay nangyari Linggo ng gabi, Marso 3, kasunod ng isang party sa residential building.

Natukoy ang mga nasawi na tatlong lalaki na dead on the spot sa pamamaril, at isang babae na namatay habang matapos dalhin sa ospital.

Tatlo iba pang lalaking biktima na may tama rin ng bala ang dinala sa ospital sa Salinas para gamutin, ayon sa King City Police Department.

Sa ulat, tatlong hindi pa tukoy na kalalakihan ang lumabas sa isang sasakyan at nagpaputok ng makailang-ulit sa mga indibidwal na nasa bakuran ng naturang bahay.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa pangyayari. RNT/JGC

Previous articleDOST nagbabala sa tumaas na kaso ng salmonella
Next article4 empleyado ng refilling station arestado sa illegal na pagbebenta ng LPG