Home HEALTH DOST nagbabala sa tumaas na kaso ng salmonella

DOST nagbabala sa tumaas na kaso ng salmonella

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Department of Science and Technology (DOST) sa publiko laban sa salmonella, matapos na tumaas ang mga naitalang kaso nito at nasawi na halos 50 katao sa Pilipinas noong 2023.

Naitala sa bansa ang 13,000 kaso ng salmonella mula Enero hanggang Agosto 2023, na 43% na mas mataas kumpara sa naitalang kaso noong 2022, ayon kay Homer Pantua, DOST scientist.

“Ang epekto nito sa hayop ay nagkaroon ka ng decrease in productivity. Sa tao, isang public health concern ito,” ani Pantua.

“Nagkakaroon ng gastrointestinal disorder katulad ng diarrhea, abdominal cramps at saka tinatawag na lagnat,” dagdag pa niya.

Karaniwang nakakapasok ang salmonella sa katawan ng tao kung makakain ito ng pagkaing kontaminado ng naturang bacteria.

“Nakukuha ito kalimitan sa mga itlog, sa mga hindi nalutong pagkain,” dagdag ni Pantua.

“Puwede itong manggaling sa food chain natin… lalo na kapag hindi processed ng maayos,” pagpapatuloy niya.

Nakikipag-ugnayan ang pamahalaan sa food producers at research institutions upang masiguro ang kalidad at kaligtasan ng mga pagkain na ibinibenta sa mga pamilihan.

Ginagamit din ang mobile biocontainment lab ng DOST para sa “surveillance of bacteria and viruses” sa bansa. RNT/JGC

Previous articleHalos 60 probinsya makikinabang sa P1.4B El Niño fund ng DSWD
Next article4 patay sa pamamaril sa California