Home NATIONWIDE Halos 60 probinsya makikinabang sa P1.4B El Niño fund ng DSWD

Halos 60 probinsya makikinabang sa P1.4B El Niño fund ng DSWD

MANILA, Philippines – Nasa 60 probinsya ang makikinabang mula sa P1.4 bilyong pondo para sa El Niño sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development.

Target ng Local Adaptation to Water Access (Project Lawa) at Breaking Insufficiency through Nutritious Harvest for the Impoverished (Project BINHI) ng ahensya, ang pamilya ng mga magsasaka at mangingisda, maging ang indigenous peoples na nanganganib ang mga kabuhayan dahil sa El Nino, sinabi ni Assistant Secretary Aireen Dumlao, co-spokesperson ng DSWD.

“Yung pagtukoy ng mga benepisyaryo o partner beneficiaries ay batay sa climate outlook ng DOST (Department of Science and Technology) kung saan natukoy yung areas with the most number of poor families,” ani Dumlao.

Kabilang sa mga probinsya na benepisyaryo ng El Nino-related projects ay ang Ifugao, Antique at Davao.

Layon ng programa ang “proactive interventions and sustainable solutions” para solusyunan ang gutom at mabawasan ang “economic vulnerability” ng daan-daang munisipalidad sa Pilipinas na nanganganib sa banta ng food at water scarcity dahil sa El Nino.

Kabilang sa mga proyekto ay ang pagtatayo ng water harvesting facilities, cisterns, at water pumps sa ilang lugar. RNT/JGC

Previous article2 bangkay natagpuan sa taniman ng kape
Next articleDOST nagbabala sa tumaas na kaso ng salmonella