Home NATIONWIDE Expansion ng Victoria container terminal patunay ng tagumpay ng mga Pinoy sa...

Expansion ng Victoria container terminal patunay ng tagumpay ng mga Pinoy sa Australia – PBBM

MANILA, Philippines – SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang pagpapalawak sa Victoria International Container Terminal ay nagpapakita lamang na ang kompanya ng Filipino ay maaaring maging matagumpay kahit pa sa ibang bansa.

“We are delighted to see that since VICT started operations in 2017, it has grown to become a major player in Melbourne, giving healthy competition to its peers,” ayon kay Pangulong Marcos sa isinagawang paglulunsad ng ekspansyon ng VICT.

“This expansion we are witnessing today is a clear sign that Filipino companies can thrive in some of the most advanced economies in the world, and in the case of VICT, they are in it for the long-haul. We look forward to VICT’s astounding success and continued growth,” dagdag na wika nito.

Tinuran pa ng Punong Ehekutibo, maliban sa pagbibigay ng trabaho at panatilihin ang mga kasanayan at paggawa, “VICT has also been supportive of the Filipino seafarers that constitute a large proportion of the seafarers that pass through its facilities, as well as the 95,000-strong Filipino community in Victoria.”

“As VICT has supported numerous Filipino community events, including the harmonized celebrations of the 125th Anniversary of the declaration of Philippine Independence last June 2023, I would like to extend my thanks to Bruno and VICT for helping the vibrant Filipino community become more visible, more involved here in Australia,” aniya pa rin.

“VICT is a Philippine success story, and I hope it will only be the beginning,” ayon sa Punong Ehekutibo. Kris Jose

Previous article4 empleyado ng refilling station arestado sa illegal na pagbebenta ng LPG
Next articleAndi, nagsalita na sa pagpanaw ni Jaclyn!