Home ENTERTAINMENT Andi, nagsalita na sa pagpanaw ni Jaclyn!

Andi, nagsalita na sa pagpanaw ni Jaclyn!

Manila, Philippines – Ramdam ang sobrang bigat na pagdadalamhati ni Andi Eigenmann nang basahin ang ang opisyal na statement ng pamilya sa pagpanaw ng kanyang ina na si Jaclyn Jose.

Mula sa Siargao ay lumipad papuntang Manila si Andi dahil sa untimely demise ng ina.

Humarap ni Andi sa media kasama amg kanyang elder brother na si Gabby Eigenmann sa ipinatawag na presscon sa paghahayag ng tunay na nangyari sa yumaong aktres.

May iba’t ibang espekulasyon kasi ang luamalabas na sanhi ng pagkamatay ng international-award winning actress.

Pahayag ni Andi, “It is with great sadness that I announce the untimely passing of my nanay, better known as Jaclyn Jose at the age of 60 on the morning of March 2, 2024 due to a myocardial infarction or heart attack.

“We’d like to thank everyone who has since extended their prayers and condolences to us as our family is trying to come to terms with this unfortunate incident.

“Please provide us the respect and privacy to grieve and we hope this would put all speculations to rest.”

May kumalat kasi na balita na pinatay ang ina ni Andi nang pasukin ng akyat-bahay gang ang bahay ng yumaong aktres.

May kwento ring two days na diumanong nawalan ng buhay si Jaclyn dahi sa heart attack. Pero dahil walang kasama sa bahay ay ‘di agad naagapan.

Sa Siargao na nakatira si Andi habang ang isa pang anak ni Jaclyn na lalaki ay nasa US.

Wala rin daw ang kasambahay ni Jaclyn dahil nagpaalam na uuwi muna ng probinsya.

Kaya tama lang na nagsalita na si Andi sa totoong dahilan ng pagkamatay ni Jaclyn. Mahirap talaga ang sakit sa puso. Sadyang traydor ang sakit na ‘to. Nataon naman na walang kasama si Jaclyn kaya hindi agad siya nadala sa ospital.

Balita rin sa socmed na ilan sa mga naunang artista ang sumugod sa babay ni Jaclyn ay ang mga kasamahan niya sa Kapamilya aksyon serye na “FPJ’s Batang Quiapo.”

Pumunta raw agad ang aktor/director ng “Batang Quiapo” na si Coco Martin at ang aktres na si Cherry Pie Picache. Julie Bonifacio

Previous articleExpansion ng Victoria container terminal patunay ng tagumpay ng mga Pinoy sa Australia – PBBM
Next articleJail Integration bill aprub sa Senado