Home HOME BANNER STORY 4 ex-DPWH officials at contractor, state witness sa Bulacan flood control anomaly

4 ex-DPWH officials at contractor, state witness sa Bulacan flood control anomaly

195
0

MANILA, Philippines – Isinailalim na sa Witness Protection Program ang apat na dating opisyal ng Department pf Public Works and Highways (DPWH) at kontratista kaugnay sa maanomalyang flood control sa Bulacan.

Ito ang inanunsyo ng Department of Justice (DOJ) ngayong araw kung saan tinanggap ang mga ito bilang mga state witness. Ito ay sina Roberto Bernardo, Henry Alcantara, at Gerard Opulencia na pawang mga dating opisyal ng DPWH gayundin ang contractor na si Sally Santos.

Sinabi ni Justice Secretary Frederick Vida na inalis na ang apat bilang mga respondents sa kaso sa maanomalyang proyekto dahil sila ay mga state witness na.

Ayon sa DOJ, nakikipagtulungan ang apat para mapalakas ang mga kaso laban sa mga hinahabol kaugnay sa nasabing maanomalyang mga proyekto.

“Ang konsepto kasi ng state witness, hindi lang ito yung nagbalik ng pera. Yung pagbabalik ng pera ay bahagi lamang ng ka nilang pakikipagtulungan sa gobyerno,” ani Vida.

Binigyang-diin ng kalihim na hindi dahil nagsauli ng pera ng bayan ay abswelto na sa kaso. Aniya, kailangan pa rin nilang managot.

Sa kabuuan, umabot sa P316,381,500 ang naibalik sa gobyerno ng apat na state witness.

Hindi naman naisama sa mga state witness dahil hindi nakitaan ng sapat na dahilan upang isailalim sa WPP sina dating district engineer na sina Brice Hernandez at Jaypee Mendoza. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here