Manila, Philippines – Dedma na sa pang-ookray ni Janus del Prado sa wedding cake ni Carla Abellana.
Napatunayan naman kasing ito ang trending cake sa Amerika.
Ituon na lang natin ang ulat na ito sa napakasimple pero eleganteng wedding gown ng Kapuso actress.
Ayon sa artikulo sa PEP: Carla wore a minimalist yet breathtaking gown from renowned Spanish fashion house Rosa Clara.
Isang araw matapos ang kasal ni Carla kay Dr. Reginald Santos noong December 27, 2025–ibinahagi ng naturang brand ang ilang mga larawan ng aktres during her gown fitting.
Lumutang kasi ang timeless beauty ni Carla.
Ayon sa artikulo, Carla chose the Monica gown mula sa 2026 collection nito.
Pinaresan ito ng customized mantilla-style na belo.
Crafted from luxurious mikado fabric, may square neckline ang gown at malalim na V-cut sides sa bodice nito.
Meron din itong V-shaped back at mahabang train na puwedeng paiklian para maging kumportable ang kilos sa reception.
Bagama’t ilang araw na nang idaos ang kasal, high pa rin daw ang pakiramdam ni Carla.
Na-achieve daw kasi ang look na ninais niya sa pamamagitan ng gown that made her look perfectly divine.
Sa mga curious kung magkano ang Monica gown na ‘yon mula sa Rosa Clara, ito’y nagkakahalaga ng P167, 000 with additional cost for alterations or custom specifications.