Home METRO 4 hinihinalang Dawlah Islamiya, 1 sundalo patay sa bakbakan

4 hinihinalang Dawlah Islamiya, 1 sundalo patay sa bakbakan

MANILA, Philippines- Apat na hinihinalang miyembro ng Dawlah Islamiya at isang sundalo ang napatay sa engkwentro sa Barangay Piangologan, Marogong, Lanao del Sur nitong Miyerkules, ayon sa Western Mindanao Command (Wesmincom) nitong Biyernes.

Sugatan din ang tatlong sundalo sa labanan, ayon sa Wesmincom.

Sinabi ng Commander ng Joint Task Force ZamPeLan na si Major General Antonio Nafarrete na itinago ang pagkakakilanlan ng mga napaslang at sugatang sundalo habang hindi pa naipaaalam sa mga kaanak ang sinapit ng mga ito.

Sa nasabing operasyon, nasagip din ng militar ang dalawang menor-de-edad at isang babae female na umano’y miyembro ng terrorist group.

Narekober din ang ilang armas, ammunition, at explosive devices mula sa encounter site. 

Nitong Lunes, iniulat ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region (PRO BAR) na halos 4,000 residente ang lumikas dahil sa banta ng umano’y pinuno ng Dawlah Islamiyah.

“The National Government, especially the leadership of the PNP, is very much [concerned] about the security and safety of the people of Marogong, considering that the threat posed by DI-MG in this municipality is very eminent because of the pronouncement through the social media of the leader of DI-MG,” pahayag ni PRO BAR chief Police Brigadier General Allan Nobleza.

“We have deployed additional troops to oversee the peace and order in the area,” patuloy ng opisyal. RNT/SA

Previous articleTambay isinelda sa baril, pagwawala sa Navotas
Next articlePaleng-QR PH plus initiataive, suportado ni PBBM