Home NATIONWIDE 4 hukom na nagpalaya sa mga arestadong POGO workers, balak kasuhan ng...

4 hukom na nagpalaya sa mga arestadong POGO workers, balak kasuhan ng DOJ

MANILA, Philippines- Pinakakasuhan ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang apat na judge ng Las Piñas RTC na nag-utos na mapalaya ang mga Chinese nationals na naaresto sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Las Piñas City nitong Hunyo.

Inatasan ni Remulla ang Bureau of Immigration (BI) na magsampa ng kaukulang reklamo laban sa mga hukom na nagkaloob sa habeas corpus petition ng apat na dayuhang POGO workers.

Ang writ of habeas corpus ay isang remedy na nagdidirekta sa isang tao o ahensya ng pamahalaan na nagpipiit sa isa pang tao na dalhin ang nakapiit sa hukuman na nag-issue ng order, upang magdesisyon ang hukuman kung makatarungan ba ang pagkakapiit o hindi.

Ayon kay Remulla, ipinagkaloob ng apat na judges ang habeas corpus petition nang walang kondisyon o colatilla.

Malinaw aniya sa batas na kapag ang isang dayuhan ay idinetene dahil sa paglabag sa immigration law, mayroong colatilla sa pagkakaloob ng habeas corpus maliban na lamang kung nakakulong ang mga ito sa iba pang mga kaso.

Pinag-aaralan ng kalihim na maghain sa Supreme Court ng administrative case laban sa mga hukom dahil sa gross ignorance of the law.

Iginiit ng kalihim na nakalimutan ng mga naturang judge ang hurisdiksyon ng DOJ at BI sa mga illegal aliens sa bansa. Teresa Tavares