Home METRO 4 HVI nalambat sa P3.4M tobats

4 HVI nalambat sa P3.4M tobats

126
0

MANILA, Philippines- Naaresto ng mga pulis ang apat na high-value individuals (HVI) at nasabat ang mahigit P3.4 milyong halaga ng shabu sa isang sting operation sa Taguig City nitong Linggo ng hapon.

Ang mga suspek ay nasa pagitan ng 33 at 39 taong gulang at kapwa residente ng lungsod, base sa National Capital Region Police Office report.

Nadakip ang apat sa isang buy-bust sa Barangay Calzada-Tipas bandang alas-5:30 ng hapon at nakuhanan ng 500 gramo ng shabu.

Kakasuhan ang apat na suspek ng paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here