MANILA, Philippines- Nagsagawa ang ikalawang batch ng 100 benepisyaryo ng cash for work (CFW) service nitong Linggo sa main disaster response hub ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Pasay City, bahagi ng pagsisikap upang tulungan ang mga pamilya at indibidwal na apektado ni Super Typhoon Carina at ng habagat (southwest monsoon).
Sa media release nitong Linggo, sinabi ni Assistant Secretary for Disaster Response Management Group Irene Dumlao na sinimulan na ng DSWD ang pangangasiwa sa probisyon ng temporary employment sa ilalim ng CFW nitong Sabado, kung kailan tinanggap ang unang batch ng 100 benepisyaryo para sa pansamantalang trabaho.
“As part of the holistic and proactive approach of the department to assist typhoon-affected locals, the DSWD provided cash for work assistance as a temporary source of employment to our affected kababayans (fellow citizens) from nearby areas in Metro Manila,” wika ni Dumlao.
Tumutulong ang mga benepisyaryo na mag-repack ng family food packs (FFPs) sa National Resource Operations Center.
Samantala, nakatanggap ang mga residente ng Tinucan at Santa Inez, dalawang isolated villages sa Tanay, Rizal, ng kanilang FFPs, nito ring Sabado.
Hindi mapuntahan ang dalawang barangay sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyo at habagat. RNT/SA