Home METRO 4 HVIs, tiklo sa P2-M ‘tobats’ sa buy-bust ops sa Parañaque

4 HVIs, tiklo sa P2-M ‘tobats’ sa buy-bust ops sa Parañaque

200
0

PARANAQUE, Philippines – Laglag sa buy bust operation ang apat na high-value individuals (HVIs) sa Parañaque City araw ng Miyerkules.

Sa ikinasang buy operation, August 20, 2025, bandang 4:45 ng hapon, naaresto ang mga suspek at nakakumpiska ang Southern Police District (SPD) Drug Enforcement Unit at Parañaque City Police Station ng mahigit PHP 2 million halaga ng illegal narcotics.

Ikinasa ang sting operation sa isang bahay sa Ninoy Aquino Avenue, Barangay San Dionisio, Parañaque City na ang primary target ay highly value individual na si alias “Lex,” .

Mabilis ang pagkilos ng pulisya na matapos makumpirma ang transaction ng droga ay inaresto si Lex, kasama ang tatlong kasabwat na pawang HVI na sina alias “Yans”, alias “Ali” at, alias “Giann”.

Sa pagkakaaresto ng apat, natuklasan ang anim na heat-sealed plastic sachets na hinihinalang shabu ang laman na may kabuuang 300 grams, at may Standard Drug Price (SDP) na tinatayang nasa PHP 2,040,000.00.

Nakumpiska bilang ebidensya ang isang long white envelope, blue Itel analog cellphone, marked money na ginamit sa transaction na genuine PHP 1,000.00 bill at 49 pieces ng PHP 1,000.00 boodle money, at iPhone.

Ang nakumpiskang mga evidence ay dinala sa  SPD Forensic Unit para sa laboratory analysis, habang inihahanda ang mga kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa apat na HVI. (Dave Baluyot M)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here