MANILA, Philippines – Lima katao ang nasawi kabilang ang apat na menor de edad sa sumiklab na sunog sa isang residential area sa Barangay San Roque, Navotas City nitong Sabado ng umaga, Disyembre 14.
Ayon kay Fire Senior Superintendent Rodrigo Reyes, assistant regional director for operations ng Bureau of Fire Protection National Capital Region (BFP-NCR), nasawi ang 41-anyos na babae at mga kabataan edad 12, 15, at 17.
Naitakbo pa sa Navotas Hospital ang mga biktima ngunit nasawi rin dahil sa asphyxia o suffocation.
Sa inisyal na imbestigasyon, nag-umpisa ang sunog sa isang tatlong palapag na bahay sa Governor Pascual Street bandang 7:02 ng umaga.
Umabot sa unang alarma ang sunog na naapula rin pagsapit ng 7:53 ng umaga.